![]() |
![]() ![]() Greg Martin C. Hermosa. Male. 10/29/1990. World History. Soccer. Blue. PS2 Gamer. PC Gamer. Fiction Writer. Kingdom Hearts Fan. Final Fantasy Fan. Mr. Generosity. Heartless. ![]() ![]() My Art Gallery(Pics, Poems, etc.) Agnes Ica Rizza Selah Dana Drazen Rina Micah Nikki Stacy Kim Jenniefer Krishna Chito ![]() December 2005 January 2006 February 2006 March 2006 April 2006 May 2006 June 2006 July 2006
Time finished: approx. 1am Hours played: approx. 3.... Trip. Kingdom Hearts. Summer time!. Heartless. Love Quotes. JS Prom Part II. JS Prom. Exams and Projects [late]. Maria Clara.. | ||||
hmmm.. April 7, pumunta kaming Bolinao, Pangasinan para pumunta sa isang family reunion. Buti na lng dala ko ang Ipod ko dahil wala akong magawa sa bahay ng pinsan ng daddy ko. Ang nakakainis pa, ang kukulit ng mga bata (ung mga ibang pinsan at syempre ung isa kong kapatid). Tapos, ung mga ibang pinsan at tito ko ay naglalaro naman ng basketball sa labas habang ung iba naman ay nanonood sa isang pinsan ko na naglalaro ng Warcraft sa laptop ng tito ko. Then, nung gabi na (mga 6pm), pumunta na kami sa venue ng reunion. Parang siyang js prom pero nga lng puro matatanda ung kasali. As usual, boring kasi puro matatanda lng ang nagkakaintindihan.. So, nakikinig lng ulit ako sa aking Ipod, naglalaro ng hide and seek ung mga pinsan (ung mga bata) ko, nakaupo at nananaginip ung mga ibang pinsan. Nung kainan na, nauna na kaming malalaki (teenagers or watever) sa buffet table. hmmm.. Masarap naman ung pagkain.. Lechon, bbq, ribs, chicken, chicken, may parang soup na puno ng gulay, macaroni, salad, hmmm..Anu pa ba..? Bsta un na un. Tapos, may mga sayaw parang sa prom pero matatanda, at tango/chacha/foxtrot(?) ung mga sinasayaw. Ang gagaling nga eh.. Pero boring.. Hay.. Mahal ko talaga ang aking Ipod.. Anyway, hindi na namin tinapos ung mga programs, blah blah.. Bumalik na ulit kami sa malaking bahay ng pinsan ng daddy at dun kami matutulog (lahat ng tito, tita, pinsan sa Hermosa side).. Ang galing nga eh.. nagkasya.. kaya nga malaki ung bahay eh.. hmmm.. Kinabukasan, ganun pa rin ang nangyari.. Pero umalis na kami nung tanghali na. Ung ibang tito ko pumuntang Ilocos (probinsya namin), tapos kami at ung natira pumuntang Hundred Islands. Sightseeing.. Tapos nagdiving kami! Yeah! un lng ung masayang part na nangyari sa Pangasinan. First time ko lng nun, pero mabilis naman ako natuto. Ang saya nga eh..! 'nga pala, bago kami umalis sa Bolinao, nag-beach muna kami dun sa Boracay-like beach kasi white sand pero kami lng ung tao dun. Dumating na kami sa Manila mga 1am na 'ata.. April 14, bumisita kami sa 14 na simbahan sa loob ng NCR. Masaya naman kasi maganda at ang lalaki ng mga simbahan pero ang init (super). Sacrifice daw namin un dahil Holy Week nga. Approx. 6 hrs. namin ginawa 'to.. April 15, isa sa mga masasayang araw ko dahil pupunta kaming Subic kasama naman ung mga tito, tita, pinsan sa middle initial side. Compared sa Hermosa side, hinde boring kasama ung mga kamag-anak ko sa side na 'to. 6am kami umalis, ung mga lalaki dun sa Adventure namin tapos ung mga babae na sa Starex ng tito ko. hmmm.. ung na sa NLEX na kami, nagstop-over kami dun sa may Shell, KFC, Burger King, etc. Kumain muna kami ng breakfast dun sa KFC, tapos bago ulit sumakay sa mga SUV, pumunta muna kami Starbucks para sa mga drinks namin habang na sa sasakyan kami. Then tumuloy ulit kami papuntang Subic. Tinago ko na lng ung Ipod ko sa bag kasi may mp3 player naman dun sa Adventure, tapos nagpatugtog ung pinsan ko ng mga kanta ng Metallica kaya ang ingay dun sa sasakyan pero masaya. hmmm.. Mga 10am dumating na kami sa Subic tapos hinanap namin ung resort na malapit sa Ocean Adv. Unfortunately, ang daming tao kaya 'di na kami tumuloy dun. Kaya nagOcean Adv. muna kami, nanood lng ng mga dolphin, seals na gumagawa ng tricks. Tapos humawak kami sa mga dolphins, ewan ko lng kung magkano un pero client naman ng Dream ung Ocean Adv. eh, kaya.. bsta un. Sayang pwede pala magswimming kasama ung mga dolphins pero mahal daw bayad. Pagkatapos nun, naghanap ulit kami ng iba png resort. Grabe, mga apat na resort na ung napuntahan namin pero punuan ng mga tao. 12nn na kami nakahanap ng resort na kakaunti lng tao, dun sa White Rock(s?) kami tumuloy. Maganda, malinis, at malaki naman ung resort. Kumuha kami ng cottage/hut tapos hinanap na ng iba ung shower room, ung iba naman naglalagay ng sunblock, ung isa kong tito umalis muna at bumili ng mga pagkain sa Mcdo para sa lunch, ako naman nagpalit lng ng damit na png beach kasi ang init, bale nag "sleeveless tshirt" na lng ako. Ang tindi ng init kaya 'di muna ako nagswimming nakinig na lng ako sa Ipod ko habang hinihintay ko ung pagkain habang ung iba na sa beach na. After about 1hr. dumating na rin ung pagkain, kumuha agad ako bago maubusan, ung nagpahena (parang tattoo thing) muna, ung iba umahon at kumain, at ung iba na sa beach pa rin. hmmm.. Nakinig sa Ipod at natulog lng 'ata ung ginawa ko dun. 3pm nagswimming na rin ako dahil 'di na mainit, ung dalawa kong pinsan nagrent ng kayak, at ung isa naman kumuha ng volleyball pero soccer naman ung nilaro. Pagtapos ng isang oras, nagdiving ulit kami (pero lima lng ung sumama)! Ang daming coral reef at mga isda, at ang malinis naman ung tubig compared sa Manila bay. 2nd time ko un! 'di pa rin ako sanay. Pero astig ng summer ngaun. Hinde pa nagtatapos ung kasayahan.. pagkatapos ng diving, nagrent kami ng jetski! hmmm.. 2k+ ata un eh. Kaya take turns lng kami.. Ang daya nga eh.. sa likod lng ako. Sarap ng hangin tapos talon ng talon sa mga waves. 6pm, pumunta na kami sa shower room, nagbihis, at umalis na. Matutulog sana ako dun sa sasakyan pero grabe ung music ng Metallica. Pumunta muna kami dun sa magandang malaking bahay ng tita ko sa Bulacan at kumain ng dinner dun bago tumuloy sa Manila. 12mn, dito na kami sa bahay. April 18, pumunta si Drazen dito sa bahay para magTekken at hiramin ung FFVII:AC at CD ng Incubus. Akala ko nung una talo ako (1-5) pero sa huli ako pa rin panalo (7-0). haha.. So, 8-5 ung final score namin. April 19, tinapos ko na ung Kingdom Hearts II. April 22, bday ng daddy ko.. Punta kami sa isang restaurant.. d ko alam kung saan.. sa Fridays 'ata ulit kami. May 01, bday naman ni Agnes at pupunta naman kami sa Antique kasama ulit ung mga sumama sa Subic. "I hate having nothing to do. It gets me thinking too much." |