<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=19716578&amp;blogName=The+Endless+Abyss&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLUE&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http://gmart-d-heartless.blogspot.com/search&amp;blogLocale=en_US&amp;homepageUrl=http://gmart-d-heartless.blogspot.com/&amp;vt=-2430743629384321260" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>
Image hosted by Photobucket.com

Maria Clara.

|| Saturday, January 28, 2006 || || 1/28/2006 07:41:00 PM ||

Sa panahon ng pananakop ng Espanya
Madaming mestisang babaeng(?) masaya
Ngunit isang babae ang tumatayo
Isang Pinay na ang ganda ay malayo.

Siya ay parang diyosa ng Pilipinas
Sinabing pinakamaganda ng Pinas
Ang kanyang mestisang balat ay parang ulap
Napagkamalang galing alapaap.

Subalit ngayon ay may minamahal na
Hindi sila maghihiwalay, sana(?)
Isang tamabalan na nakakainggit
Pati ako at siya ay naiinggit.

Nung una ay nagmamahalan ng lubos
Parang pagmamahalan na 'di nauubos
Kahit bata pa lang, sila'y nararapat
Ngayon ay magkasintahan silang tapat.

Nang tumagal mas tumindi ang pag-ibig
Ngunit nagkaroon ng problema ang ibig
Nagplano na sana magpakasal sila
Subalit ang excomulgado ang sala.

Nawala ang buhay at ganda ng dilag
Ang pag-ibig na matindi ay umilag
Ang pag-iyak ang naging pagdamdam niya
Nang tumagal ang damdamin 'di na kaya.

Nagkaroon ng isang sakit na lungkot(?)
Kahit ang pag-ngiti ay hindi masuot
Gamot man ay hindi mapigilan ang sakit
Hinahanap ang ibig na kaakit-akit.

Nang lumaon may panibagong umiibig
Kastilang ipinakilala ng amang bibig
Pero ang sakit ay hindi nawawala
Hinahanap ang ibig na nawawala.

Pinag-aagawan ng mga Kastila
Opisyal man o padreng nangungulila
At sa wakas nawala ang mga sala
Subalit ang pag-ibig ay winala.

Kawawang Maria Clara na maganda
Naging madre kahit hindi ito handa
Maria Clara, kagandahang iniinggit
Diyosa man o anghel, siya'y galing langit.



D'Heartless leaves a reminiscence at 1/28/2006 07:41:00 PM | 0 falling leaves


0 Falling Leaves:

Catch the Falling Leaves:

_______________________